top of page

Heto na tayo sa panibagong Yugto.

Unang Salita: Lobat

Ikalawang Salita: Miskol

Ikatlong Salita: Hugot
Sa paglipas ng daang libong mga taon ay kasabay nito ang mga pagbabago sa ating wika. Sinasalamin ng wikang pambansa ang kasalukuyang panahong kinabibilangan nito.
​
Nakaiimpluwensiya ang modernong panahon at kulturang popular sa paghubog ng mga makabagong salita't termino na nag-uugat mula sa mga pang-araw-araw na karanasan ng mga mamamayan.
​
Ang isang wikang napapanahon ay isang wikang maunlad. Kasabay ng pag-usad ng panahon ang tuluyang pagkabuo ng mga bagong salita sa ating wikang pambansa. Nararapat nating sulitin ang gamit sa mga makabagong salitang inihahandog sa atin ng kontemporarying lipunan.
​
Hindi titigil ang panahon. Sabayan natin 'to.
bottom of page